South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., nakipagpulong sa pamunuan ng SOCOTECO 1 para sa mas maayos at murang suplay ng kuryente sa lalawigan
- Diane Hora
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Sa layuning mapabuti ang kalidad ng serbisyong elektrisidad sa buong lalawigan, nagharap sa pulong si Governor Reynaldo Tamayo Jr. at ang management ng SOCOTECO 1, ang pangunahing electric cooperative na nagsusuplay ng kuryente sa mga bayan ng ikalawa at ikatlong distrito ng South Cotabato.
Sa pulong, tinalakay ang mga critical concerns hinggil sa mataas na singil sa kuryente at mga plano upang mapababa ang presyo at masiguro ang maaasahang serbisyo para sa mga mamamayan.
Ayon kay Governor Tamayo, mahalagang papel ang ginagampanan ng maayos na suplay ng kuryente sa pag-unlad ng ekonomiya ng lalawigan.
Binanggit din ng gobernador na ang mataas na presyo ng kuryente ay isa sa mga pangunahing hadlang sa pagpasok ng mga bagong negosyo at mamumuhunan sa lalawigan.
Kamakailan, dumami umano ang mga reklamo ng ilang residente at negosyante hinggil sa patuloy na pagtaas ng singil at hindi pantay na kalidad ng serbisyo ng kuryente kumpara sa mga karatig-probinsiya.
Bilang tugon, tiniyak ng pamunuan ng SOCOTECO 1 na magsasagawa sila ng mga hakbang at pag-aaral upang mapabuti ang sistema ng distribusyon, mapatatag ang suplay at makahanap ng paraan para mapababa ang singil ng kuryente sa mga konsumante.



Comments