South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr suportado ang kautusan ni PBBM na magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno; Gobernador, handang sumailalim sa lifestyle check anumang oras
- Diane Hora
- Sep 2
- 1 min read
iMINDSPH

Buong suporta ang ipinahayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno, kasunod ng mga ulat ng iregularidad sa multi-bilyong pisong flood control projects.
Ayon kay Tamayo, mahalaga ang hakbang na ito upang masugpo ang lumalalang katiwalian sa pamahalaan.
Binanggit pa ng gobernador na hindi na lamang overpricing ang isyu, kundi mayroon na ring mga tinatawag na “ghost projects”, na aniya’y pinakakahiya-hiya dahil hayagang pagnanakaw na aniya ito sa kaban ng bayan.
Bilang pagpapakita ng kanyang dedikasyon sa transparency, nagpahayag si Tamayo ng kahandaang sumailalim sa lifestyle check anumang oras.
Kilala bilang “Father of Cashierless Hospitals” dahil sa kanyang mga reporma sa serbisyong pangkalusugan sa South Cotabato, binigyang-diin ni Tamayo na ang paglaban sa korapsyon ay mahalaga upang masiguro na ang pondo ng bayan ay mapupunta lamang sa mga programang tunay na nakikinabang ang mamamayan.
Ang direktiba ukol sa lifestyle check ay bahagi ng pinaigting na anti-corruption drive ng administrasyong Marcos, matapos mabunyag ang mga anomalya sa flood control projects sa Luzon, Metro Manila, at maging sa Visayas.



Comments