South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr., tiniyak na dumaan sa masusing inspection, monitoring at quality control ang mga infra-projects ng gobyerno sa probinsya
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Binigyang diin ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. na dumadaan sa masusing inspeksyon, monitoring at quality control ang mga infrastructure project sa probinsya para sa masiguro ang full transparency at accountability nito.
Aniya ang mga “redundancy measures” na ito ay sadyang ipinatutupad upang maiwasan ang iregularidad, mapanatili de-kalidad na paggawa at garantiya na ang bawat pondo ng gobyerno ay nagagamit nang may pananagutan para sa kapakinabangan ng bawat South Cotabateño.
Dagdag ng gobernador, ang project inspections ay hindi lamang isinasagawa o ipatutupad ng Provincial Engineering Office kundi ipinatutupad din ng Inspectorate Unit ng Provincial Governor’s Office at mga kinatawan mula sa mga pribadong sektor sa ilalim ng Provincial Project Monitoring Committee.
Ang kolaborasyong ito ay sinisiguro na ang mga proyekto ay mahigpit na minomonitor mula sa umpisa hanggang sa ito ay matapos bilang paraan ng pagpapatatag pa ng tiwala ng publiko sa serbisyo ng gobyerno.



Comments