South Cotabato, pina-iigting ang suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng ECCD Centers
- Nov 19, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pangako ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. na gawing pangunahing prayoridad ang edukasyon, sinimulan ang konstruksyon ng mga Early Childhood Care and Development Centers sa Lake Sebu at Tantangan upang palawakin ang access ng mga bata sa early education at pangangalaga.
Naniniwala ang provincial government na ang matatag na pundasyon sa early childhood learning ay susi sa pangmatagalang tagumpay sa edukasyon at pag-unlad ng komunidad.
Ayon kay Irish Ameller, isang ECCD teacher mula sa isa sa mga project sites, tinitiyak nito na mabibigyan ng atensyon ang mga bata sa remote barangays.
Pinaliwanag naman ni PSWDO Sonia Bautista na ang pagtatayo ng ECCD Centers ay bahagi ng mas malawak na education at human development agenda ng lalawigan.
Noong 2022, kinilala ang lalawigan bilang isa sa mga awardees ng Gawad Edukampyon for ECCD sa ilalim ng National Gawad Edukampyon for Local Governance, dahil sa pagiging modelo sa early childhood care and development at pagsunod sa national ECCD standards.
Ang inisyatiba ay ipinatutupad sa pamamagitan ng Office of the Provincial Engineer, katuwang ang PSWDO at mga LGU, upang matiyak na ang mga bata ay magkakaroon ng ligtas, child-friendly, at conducive learning spaces na susuporta sa kanilang physical, emotional, at intellectual development.



Comments