South Cotabato Provincial Hospital, pinalakas ang libreng medikal services at gamot sa mga pasyente ng pagamutan
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Alinsunod sa pangako ng South Cotabato Provincial Government na “accessible healthcare for all”, pinalakas pa ng South Cotabato Provincial Hospital – Out Patient Department ang kanilang pangako sa kanilang mga pasyente na libre ang kanilang medical services at gamot sa ospital.
Ayon kay OPD Chief, Dr. Ana Marie Tuburan, ang mga pasyente ay maaaring mag-avail ng iba’t-ibang medical services na walang kailangang babayaran tulad ng vaccinations, anti-rabies treatment, dental and ob-gyne (obstetrics and gynecology) service, psychiatric consultations, routine check-ups and diagnostics at minor medical procedures.
Aniya lahat ng serbisyong ito ay “free of charge” bilang mandato ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, upang mas mabawasan ang pasanin ng mga pasyente.
Ang OPD ay di lamang nagki-cater ng mga residente ng probinsya kundi maging sa mga karatig bayan.
Kaya naman dumarami ang mga pasyente na dumarating sa kanilang ospital upang magpagamot, indikasyon na tumataas ang demand para sa isang accessible healthcare services sa rehiyon.
Upang tugunan ito, pinapamadali na rin ng provincial government ang konstruksyon at expansion ng pasilidad.
Kapag naisaayos na ito, mas mapapabuti na ang serbisyo para sa mga pasyente.
Magkakaroon din ng upgrade sa pasilidad tulad ng dagdag na consultation rooms, mas maayos na patient flow upang mapabuti pa ang service delivery.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng Free Hospitalization Program ni Governor Tamayo. Dahil dito, nangunguna ang South Cotabato na universal healthcare access sa rehiyon.
Ang SCPH-OPD ay nagsisilbing ehemplo kung paano ang government-run healthcare institutions ay makakapag hatid ng responsive, di-kalidad at libreng serbisyong medikal sa mga kakababayan lalo na sa mga underserved sectors.



Comments