top of page

South Cotabato Provincial Hospital, tiniyak ang ligtas at masustansiyang pagkain sa bawat pasyente

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy ang Nutrition and Dietetics Service ng South Cotabato Provincial Hospital sa pagbibigay ng ligtas, masustansya at de-kalidad na pagkain para sa lahat ng pasyente na naka-admit sa ospital.

Binigyang-diin ni Josephine Perdido, Nutritionist–Dietitian II ng ospital na ang tamang nutrisyon ay mahalagang bahagi ng paggaling ng bawat pasyente.

Upang masiguro ang kaligtasan ng pagkain, ipinatutupad ng SCPH Nutrition Team ang taunang medical check-up ng mga staff, mahigpit na food safety protocols, regular na inspeksyon at asset planning upang mapanatiling malinis at ligtas ang serbisyo.

Lahat ng suplay ng pagkain anila ay dumaraan sa mahigpit na bidding at screening upang matiyak na ligtas at dekalidad ang mga sangkap.


Ayon pa kay Perdido, isinasagawa rin ang individualized meal planning batay sa rekomendasyon ng mga doktor kabilang ang 1,500-calorie diets, special supplementation, at nutrition counseling.


Nagpasalamat din si Perdido kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa kanyang walang sawang suporta sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page