Special session, isasagawa ng BTA Parliament sa January 12, 2026 para talakayin ang redistricting ng mga parliamentary district sa BARMM
- Jan 6
- 1 min read
iMINDSPH

Nakatakdang magsagawa ng isang Special Session ang Bangsamoro Transition Authority Parliament sa Enero a-12, 2026, alas-1:00 ng hapon, upang ipagpatuloy ang deliberasyon sa panukalang batas hinggil sa redistricting ng mga parliamentary district sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang special session ay ipinatawag alinsunod sa Section 3(c), Rule VI ng Bangsamoro Transition Authority Parliamentary Rules, Procedures, and Practices, na nagbibigay-kapangyarihan sa Speaker na magdaos ng special session kapag may mga agarang usapin na may malaking epekto sa interes ng publiko.
Ito ay alinsunod sa kahilingan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua. Nauna nang sinabi ni Macacua na ang pagkakaroon ng batas hinggil sa parliamentary district ang susi para magkaroon ng kauna-unahang halalan sa BARMM.



Comments