top of page

SPECIAL WORK ARRANGEMENT

  • Mar 11
  • 1 min read

iMINDSPH



Ipatutupad ng Cotabato City Government, simula ngayong araw, March 11, 2026 bilang bahagi umano ng energy conservation efforts ng national government sa gitna ng tumataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at patuloy na tensyon sa Middle East


Sa ilalim ng bagong arrangement, magre-report on-site ang mga empleyado mula Lunes hanggang Huwebes, mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Samantala, work-from-home arrangement naman ang ipatutupad tuwing Biyernes.


Gayunman, upang matiyak na tuloy-tuloy ang paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa publiko, mananatiling bukas at operational ang ilang frontline offices tuwing Biyernes, na may nakatalagang sapat na personnel.


Kabilang dito ang Office of the City Mayor, Office of the City Treasurer, Business Permits and Licensing Office, Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Office of the City Health Officer, Office of the City Civil Registrar, Office of the City Social Welfare and Development Officer, at Office of the City Engineer.


Ayon sa pamahalaang lungsod, ang hakbang na ito ay bilang suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bawasan ang konsumo ng kuryente at gasolina sa mga tanggapan ng gobyerno habang patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page