Sperm Whale natagpuang patay at palutang-lutang sa baybayin ng Taluya, Glan, Sarangani
- Feb 24
- 1 min read
iMINDSPH

Pebrero 22 nang makita ang sperm whale.
Ayon sa DERN region 12, maraming indikasyon na ilang araw na itong patay bago natagpuan base sa kanilang initial assessment.
Pinangunahan ng resident veterinarian ng SBPS, katuwang ang marine mammal experts, ang pagsusuri sa sperm whale sa pamamagitan ng morphometric measurements o pagkuha ng pisikal na sukat nito. Sinundan ito ng tissue sampling na isinagawa ng DA-BFAR para sa laboratory examination.
Batay sa obserbasyon, posibleng nagmula ang sperm whale sa Sulu–Sulawesi Marine Ecoregion at inanod patungo sa Sarangani Bay.
Matapos makolekta ang mahahalagang datos at samples, maayos na inilibing ang carcass at initala ang GPS coordinates para sa posibleng scientific exhumation sa hinaharap.
Ang sperm whale ang itinuturing na pinakamalaking toothed whale sa mundo at karaniwang naninirahan sa malalalim na bahagi ng karagatan, na naglalakbay sa malalawak na marine regions.
Ayon sa PAMO-SBPS, ipinapakita ng insidenteng ito ang transboundary nature ng marine wildlife, kung saan ang mga hayop-dagat ay hindi nakatali sa iisang teritoryo lamang.
Binigyang-diin ng pamunuan na mahalaga ang mas pinaigting na regional cooperation sa pagitan ng mga karatig-bansa upang mapangalagaan ang mga migratory species sa magkakaugnay na karagatan gaya ng Sulu–Sulawesi region at Sarangani Bay.
Ang mga nakuhang samples mula sa PAMO-SBPS at BFAR ay inaasahang makatutulong sa pagpapalawak ng marine mammal records at pagpapalakas ng conservation efforts sa rehiyon.



Comments