SPOT CHECKING AT BENEFICIARY MONITORING isinagawa ng MSSD sa Bubong, Lanao del Sur
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

13 benepisyaryo sa ilalim ng programang Unlad, Kupkop, Kalinga para sa may Kapansanan, Early Childhood Care and Development (ECCD) Workers, at Para-Social Workers (PSWs), mula sa Barangay Punud at Barangay Rogero ang binisita at isinailalim sa assessment ng MSSD BARMM.
Layunin ng nasabing aktibidad na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga case folder ng mga benepisyaryo, lalo na ang mga kabilang sa case-managed programs tulad ng Unlad at Kupkop.
Kabilang sa isinagawang monitoring ang pagberipika sa BDMS compliance, gayundin ang pagsusuri sa implementasyon ng mga programa batay sa mga aprubadong alituntunin.
Bukod dito, naitala rin ang mga dapat pang pagbutihin, mga best practices, at mga success story mula sa pagpapatupad ng mga programa sa nasabing lugar.
Nagsagawa rin ng “kumustahan” session kasama ang kawani ng LGU upang talakayin ang kalagayan at mga pangangailangan sa implementasyon ng mga programa at serbisyo.



Comments