Station Commander ng Philippine Coast Guard Zamboanga Sibugay, nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa Ipil, Zamboanga Sibugay
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Nasawi ang isang opisyal ng Philippine Coast Guard matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang sakay ng kanyang sasakyan sa Barangay Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay noong ika-15 ng Enero, 2026. Kinilala ang biktima na si Lieutenant Junior Grade Glennick Ytang, na kasalukuyang nagsisilbi bilang Station Commander ng Coast Guard Station Zamboanga Sibugay.
Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard, dead on arrival sa ospital si Lieutenant Junior Grade Glennick Ytang matapos ang pamamaril na naganap sa Barangay Veterans Village.
Ayon sa paunang imbestigasyon, sakay ng kanyang sasakyan ang biktima nang siya ay paulanan ng bala ng isang hindi pa nakikilalang lalaki, na agad niyang ikinasawi.
Si LTJG Ytang ay miyembro ng Coast Guard Officers’ Course Class 26-2020 “Hiraya Masiklab”, at nakatalaga sa Coast Guard District Southwestern Mindanao.
Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay ang Philippine Coast Guard sa pamilya at mga mahal sa buhay ng yumaong opisyal.
Patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng PCG at Philippine National Police para sa masusing imbestigasyon sa insidente at upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at maihatid ang hustisya sa pamilya ng biktima.



Comments