STRATEGIC PLANNING WORKSHOP Hinggil sa Food Security Convergence, isinagawa ng WFP para sa provincial government ng Maguindanao del Norte, LGU Sultan Mastura, Matanog, Datu Blah Sinsuat, at Upi
- Feb 27
- 1 min read
iMINDSPH

Ang aktibidad ay isinagawa a-dose ng Pebrero alinsunod sa MILG Memorandum Circular No. 032, Series of 2026, na naglalayong palakasin ang convergence-based planning, pag-isahin ang prayoridad ng probinsya at mga munisipalidad, at suportahan ang pagbuo ng costed implementation plans na nakaangkla sa umiiral na local planning instruments tulad ng Comprehensive Development Plan (CDP), Local Development Investment Program (LDIP), Annual Investment Program (AIP), at Local Climate Change Action Plan (LCCAP).
Dumalo sa workshop ang mga kinatawan mula sa mga munisipalidad ng Sultan Mastura, Matanog, Datu Blah Sinsuat, at Upi, partikular ang mga Municipal Administrators o Executive Assistants at mga Municipal Planning and Development Officers.
Sa talakayan, nirepaso ng mga kalahok ang mga pre-work templates na isinumite bago ang aktibidad, kinilala at binalidate ang mahahalagang isyu sa food security at climate resilience, tinukoy ang mga prayoridad na interbensyon, at tinukoy ang umiiral na mga programa at posibleng pinagkukunan ng pondo.
Sa pamamagitan ng breakout discussions, nakabuo ang bawat munisipalidad ng paunang convergence action points, kabilang ang mga iminungkahing proyekto, mga responsableng tanggapan, target timeline, at tinatayang pangangailangang pondo.
Ayon sa mga organizer, pinalakas ng workshop ang koordinasyon sa pagitan ng Provincial Government at mga Municipal LGUs, at nilinaw ang kani-kanilang papel sa pagpapatupad ng mga interbensyon sa food security sa ilalim ng convergence framework.
Nagpahayag din ng commitment ang mga kalahok na LGUs na i-refine ang kanilang costed action plans, isama ang mga napagkasunduang prayoridad sa regular na planning at budgeting cycle, at makipag-ugnayan sa probinsya at mga regional agencies para sa consolidation, technical support, at monitoring.



Comments