top of page

Street-level drug personality, arestado sa buy-bust operation sa Cotabato City; Hinihinalang shabu, nakumpiska

  • Teddy Borja
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH



Isang street-level drug personality ang naaresto ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Rosary Heights 9. Isinagawa ang buy-bust operation bandang 3:50 ng hapon, Enero 28, 2026, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Jessie”, 46 taong gulang, walang trabaho at residente ng nasabing lugar, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Matagumpay na nakabili ang police poseur buyer, sa tulong ng confidential agent, ng tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.3 gramo, na nagkakahalaga ng ₱500.00. Nasamsam din mula sa suspek ang ₱500.00 buy-bust money na ginamit sa transaksyon.


Ang suspek ay sasailalim sa medical at drug test, habang ang mga ebidensya ay ipapadala sa RFU BAR para sa qualitative at quantitative examination.


Kasalukuyang inihahanda ang kaso sa paglabag sa R.A. 9165 laban sa suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page