top of page

Street-level drug personality, arestado sa search warrant operation sa Mlang, Cotabato; baril at suspected shabu, narekober

  • Teddy Borja
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Huli ang street-level drug personality matapos isinagawa ang search warrant operation ng awtoridad sa Mlang, Cotabato kung saan nasasam din ng awtoridad ang isang baril at mga bala


Ang suspek ay kinilalang si alyas “Art”, isang listed Street-Level Individual.


Sa pagsisilbi ng search warrant, tinangka umanong tumakas ng suspek ngunit agad ding naaresto ng mga awtoridad.


Narekober mula sa operasyon ang isang caliber .22 revolver na may isang live ammunition, pitong sachet ng hinihinalang shabu, at ilang drug paraphernalia. Isinagawa ang marking at inventory ng mga ebidensya sa presensya ng barangay official at kinatawan ng media, alinsunod sa umiiral na alituntunin ng batas.


Dinala ang suspek sa Mlang Police Station para sa dokumentasyon at booking. Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng Republic Act 9165 at Republic Act 10591 upang isampa sa Office of the Provincial Prosecutor.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page