Sugatan ang isang babae matapos barilin sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sugatan ang isang babae matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng Diversion Road, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat.
Ang biktima ay residente ng Pansacala Street, Rosary Heights, Cotabato City.
Batay sa paunang ulat ng pulisya, bandang alas-5:45 ng hapon ng Pebrero 5, 2026, sakay ang biktima ng kanyang sasakyan na isang pulang Toyota Vios, nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek.
Agad na tumakas ang mga suspek. Samantala, dinala naman ang biktima ng mga concerned citizen sa Notre Dame Hospital sa Cotabato City para sa agarang lunas.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa mukha at kasalukuyan pa ring sumasailalim sa gamutan.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station sa lugar ng insidente at nagsagawa ng hot pursuit operation laban sa mga suspek.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.



Comments