top of page

Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin habang nag iinuman; Suspek na lasing rin, arestado

  • Teddy Borja
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Isang lalaki ang sugatan matapos masaksak habang nag iinuman. Suspek sa krimen ang isang construction worker


Ang biktima ay 24 anyos, binata, may trabaho at residente ng Sousa, Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City. Samantala, ang suspek ay kinilalang si alyas "Benjie", 31 taong gulang, may asawa, construction worker at residente ng Cynthia Village, Barangay Tamontaka II.


Ayon sa pulisya, ang biktima at ang kanyang mga kasama ay nag-iinuman sa naturang lugar nang biglang dumating ang suspek na umano’y lasing rin at sinaksak ang biktima sa kanang bahagi ng likod. Agad naman na tumakas ang suspek matapos ang insidente.


Isinugod naman ang biktima ng mga kaibigan nito sa Cotabato Regional and Medical Center para sa agarang lunas.


Agad na isinagawa ang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Police Station 3 sa pangunguna ni PCapt Al-Grahammad Pompong, Deputy Station Commander, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Kenneth Van Encabo, Station Commander. Sa tulong ng barangay officials at Barangay Peacekeeping Action Team ng Tamontaka II, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page