SUGATAN SA PAMAMARIL and 2 indibidwal sa Cotabato City; Mga suspek, pinaghahanap pa ng pulisya
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa lungsod pa rin ng Cotabato —
Sugatan ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek. Kinilala ang mga biktima na sina alyas "Tulon" at "Yas", kapwa nasa hustong gulang at residente ng Cotabato City.
Habang nag-uusap umano ang mga biktima ay bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga suspek na kinilalang sina alyas "Norodin" , "Guiabar", "Cam", at "Sul", gamit ang M16 rifle.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima at agad na isinugod sa pagamutan.
Sa isinagawang imbestigasyon, nakarekober ang mga awtoridad ng dalawang basyo ng bala ng M16 sa pinangyarihan ng insidente.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Police Station 3 at naglatag ng checkpoints at lockdown protocols sa mga kalapit na lugar para sa posibleng pagkakaaresto ng mga suspek.
Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya, kabilang ang pagkuha ng CCTV footage at masusing imbestigasyon sa motibo ng krimen na hinihinalang may kinalaman sa personal na alitan.



Comments