top of page

SUGATAN SA PAMAMARIL Ang isang 40-anyos na lalaki sa Mother Barangay Rosary Heights sa Cotabato City

  • Mar 11
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang biktima ay 40 taong gulang at residente ng Kidapawan City, Cotabato


Base sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakatayo umano ang biktima malapit sa kanyang motorsiklo nang biglang lumapit ang suspek na nakasuot ng itim na jacket at puting cap.


Pinagbabaril ng suspek ang biktima ng limang beses, na tumama sa kaliwang bahagi ng tenga, kaliwang kilikili at kanang siko nito.


Matapos ang insidente, agad tumakas ang suspek patungo sa Purok Kambal sa parehong barangay.


Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Police Station 2 ng Cotabato City Police Office, upang magsagawa ng imbestigasyon sa lugar.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page