top of page

SUGATAN SA PAMAMARIL Ang isang lalaki sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City

  • Mar 23
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinilala ang biktima na si alyas "Datu", 26 taong gulang, may asawa, self-employed, at residente ng nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon, naglalakad umano ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo at pinaputukan ito ng ilang beses.


Tinamaan siya sa kaliwang pulso ngunit nakatakas mula sa mga salarin.


Agad siyang isinugod ng mga concerned citizen sa Cotabato Regional and Medical Center para sa agarang gamutan.


Sa isinagawang imbestigasyon sa crime scene, narekober ng mga awtoridad ang dalawang basyo at isang hindi pumutok na bala na hinihinalang mula sa kalibre .45 na baril, na isasailalim sa ballistic examination.


Nagsagawa rin ng hot pursuit operation ang mga pulis laban sa mga tumakas na suspek ngunit hindi pa rin sila natutunton hanggang sa ngayon.


Patuloy ang isinasagawang follow-up investigation ng mga awtoridad, kabilang ang paghingi ng CCTV footage mula sa mga kalapit na establisyemento upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page