top of page

Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Biruar Mastura, nakipagpulong sa mga kinatawan mula sa religious sector

  • Diane Hora
  • Sep 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinulong ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang mga kinatawan mula sa religious sector upang talakayin ang mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng pananampalatayang Islam sa bayan.


Sa pulong, tinalakay ang mga plano at inisyatiba ng lokal na pamahalaan para sa mas epektibong suporta sa mga madrasa, masjid, at sa mga imam. Layunin ng administrasyon na matiyak ang patuloy na pag-unlad ng mga institusyong panrelihiyon at ang kapakanan ng mga tagapagtaguyod nito.


Ang aktibidad na ito ay nagpapakita ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng pananampalataya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at pagkakaisa sa komunidad.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page