top of page

Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura, nakipagpulong kay People’s Champ Manny Pacquiao para palakasin ang sektor ng palakasan sa bayan

  • Diane Hora
  • Sep 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nakipagpulong kay “People’s Champ” Manny Pacquiao si Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura para palakasin ang larangan ng sports sa bayan.


Samantala, inihahanda na rin ang pagbubukas ng pinakamalaki at nag-iisang Sports Complex sa buong Maguindanao del Norte, na matatagpuan mismo sa bayan ng Sultan Kudarat.


Kasama ng alkalde si Maguindanao del Norte Congresswoman Bai Dimple Mastura.


Layunin ng pagpupulong na ito na pagtibayin ang mga programa para sa pagpapaunlad ng sports sa bayan.


Ayon kay Mayor Mastura, isa sa mga pangunahing layunin ng kanyang administrasyon ay ang palakasin ang larangan ng sports bilang epektibong paraan upang mailayo ang kabataan sa mga masasamang bisyo tulad ng iligal na droga.


Sa pamamagitan ng sports, nais din ng pamahalaan ng Sultan Kudarat na matuklasan at maipamalas ang husay at potensyal ng mga kabataang mahilig sa basketball at boxing.


CHARGEN 2: SPORTS COMPLEX, BUBUKSAN NA

Pinakamalaki at nag-iisang sports complex sa Maguindanao del Norte, bubuksan na


Kaugnay nito, inihahanda na rin ang pagbubukas ng pinakamalaki at nag-iisang Sports Complex sa buong Maguindanao del Norte, na matatagpuan mismo sa bayan ng Sultan Kudarat.


Ang nasabing pasilidad ay inaasahang magbubukas sa darating na Disyembre, at magiging sentro ng iba’t ibang aktibidad pang-isports hindi lamang para sa mga mamamayan ng bayan kundi maging sa mga karatig-lugar.


Ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa mga kinikilalang personalidad sa larangan ng sports at pamahalaan ay patunay ng kanilang seryosong hangarin na bigyang pansin ang kapakanan ng kabataan at ang paghubog ng mga bagong atleta mula sa Sultan Kudarat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page