Sultan Mastura LGU, muling inilunsad ang "TB-DOTS Patient's Graduation Program"
- Diane Hora
- Oct 8
- 1 min read
iMINDSPH

Sa temang "Kaagapay sa Malusog at Masiglang Komunidad", pinalalakas pa ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura ang mga serbisyo para sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.
Inilunsad muli ng LGU ang "Tubercolosis Directly Observed Theraphy Short-Course o TB-DOTS patient’s graduation program", araw ng Martes, October 7 sa Gad building, municipal hall compound ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Pinangunahan ito ni Sultan Mastura Administrator Datu Rauf Mastura at former mayor Datu Armando Mastura Jr, gayundin ng mga konsehal ng bayan na mahigpit ang suporta sa mga programang pangkalusugan ng LGU.
Ang hakbang ay sinimulan ng dating alkalde Datu Rauf Mastura na maituturing na matagumpay na programa ng LGU. Pansamantala itong natigil matapos ang kanyang panunungkulan.
Sa layuning mamonitor ang sakit na TB at palakasin pa ang kampanya kontra sa sakit na ito, binuhay muli ng LGU ang programa.
Sa ilalim ng programa, pinarangalan ang mga pasyente na matagumpay na nakatapos ng kanilang anim na buwang gamutan laban sa TB kung saan kinakailangang uminom ng tatlo hanggang limang tableta araw-araw.
Kasabay ng pagtatapos ng mga ito sa kanilang gamutan, tinanggap din ng mga pasyente ang grocery packs na nagkakalaga ng tatlong libong piso sa pagnanais ng mga ito na magkaroon ng malusog na pamumuhay at pangangatawan.
Patuloy na hinihikayat ng LGU ang mga residente sa lugar na agad komunsulta sa health center kung makakaranas ng sintomas ng TB upang agad na mabigyang tugon at lunas.



Comments