SUMAILALIM SA NEGOSYO AT FINANCIAL TRAINING ang 50 returning Overseas Bangsamoro Workers (OBWs) sa Marawi City
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang pagsasanay, araw ng Miyerkules, March 25.
Ayon sa MOLE, layunin ng aktibidad na tulungan ang mga kalahok na makapagtayo ng matatag na kabuhayan at mapahusay ang kanilang disiplina sa pananalapi para sa mas maayos na kinabukasan.
Inorganisa ang programa ng Ministry of Labor and Employment–Overseas Workers Welfare Bureau (MOLE-OWWB) sa pakikipagtulungan ng Ministry of Trade, Investments, and Tourism (MTIT) Regional Office, MOLE-Lanao del Sur Field Office, at MTIT-Lanao del Sur Field Office.
Nagbigay ng orientation sina Malano Mai at Rohaniah Malawad ng MTIT-Lanao del Sur hinggil sa business registration, licensing, at pagsisimula ng negosyo.
Ayon sa MOLE, patuloy nitong susuportahan ang mga returning workers upang magkaroon ng oportunidad na magtagumpay sa lokal na ekonomiya at makapag-ambag sa pag-unlad ng rehiyon.



Comments