SUMUKO SA MILITAR SA MAGUINDANAO DEL SUR ang 13 violent extremists; mahigit 10 armas at pampasabog, bitbit ng mga ito sa pagsuko
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Sumuko sa pamunuan ng 38th Infantry Battalion sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Erwin Felongco, ang labintatlong miyembro ng lokal na armadong grupo.
Iniharap ang mga ito kay Brigadier General Edgar Catu, ang Commander ng 601st Infantry Brigade, kasama ang kanilang mga isinukong kagamitang pandigma na kinabibilangan ng dalawang 81mm mortar, dalawang 60mm mortar, isang M79 grenade launcher, isang RPG, isang 7.62mm sniper rifle, tatlong 9mm Uzi submachine guns, isang granada, at tatlong magasin.
Dumalo sa aktibidad ang PNP ng Sultan sa Barongis MPS, mga kinatawan ng LGUs ng Sultan sa Barongis, Datu Salibo, Mamasapano, at Shariff Aguak, gayundin ang mga ahensya ng BARMM tulad ng MSSD, MPOS, at MILG.
Samantala, nagpahayag ang mga nagbalik-loob ng hangaring mamuhay nang mapayapa. Nakatanggap sila ng paunang tulong at inirerekomenda sa MILG-TUGON Program para sa kanilang reintegrasyon sa lipunan.
Pinuri naman ni Brig. Gen. Catu ang matibay na ugnayan ng militar, PNP, mga lokal na pamahalaan, at komunidad na naging daan sa matagumpay na pagsuko.
Samantala, nagpahayag naman ng buong suporta sa inisyatibang ito si Major General Jose Vladimir Cagara, Commander ng 6ID/JTFC sa magandang hakbang na ito sa pagkamit sa kapayapaan.



Comments