SUNDIN ANG APPROVED FARE MATRIX ayon sa MOTC BARMM hangga’t wala pang inaprubahan na fare increase sa Cotabato City at iba pang lugar sa rehiyon
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nanatiling batayan sa kasalukuyan ang ₱12 na pamasahe na inaprubahan ng BLTFRB BARMM, habang patuloy pa ang konsultasyon kaugnay ng anumang posibleng fare adjustment.
Nilinaw rin na ang ₱12 ang nagsisilbing base fare sa anumang magiging panukalang fare increase, at hindi ang ₱15 na sinisingil noong panahon ng pandemya.
Ayon sa MOTC, ang anumang pagtaas ng pamasahe ay hindi basta na lamang ipinapatupad kundi dumaraan sa masusing konsultasyon sa lahat ng sektor na apektado.
Dagdag pa ng MOTC, nagbigay na ng direktiba ng national government hinggil sa usapin ng fare increase.
Tiniyak din ng MOTC na patuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga public transport operators at drivers, kabilang ang fuel subsidy.
Samantala, nilinaw rin na ang tinatawag na “sadakah” o boluntaryong dagdag bayad ay hindi sapilitan at nasa pagkukusa lamang ng pasahero.



Comments