Suspected shabu na nagkakahalaga ng P1.5 million, nasamsam sa buy-bust operation sa Davao Region; 3 arestado kabilang na ang 2 High-Value Individuals
- Teddy Borja
- Oct 14
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang 1.5 million pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasnag buy-bust operation kung saan tatlo ang arestado, kabilang na ang dalawang High-Value Individuals.
Unang ikinasa ng awtoridad ang buy-bust operation sa Purok Sto. Niño, Barangay Matiao, Mati City, Davao Oriental,kung saan arestado ang isang alyas “Boyong”.
Ang suspek ay kabilang sa Top 6 HVI regional level.
Nakumpiska ng awtoridad sa operasyon ang 19 heat-sealed transparent plastic sachets na pininiwalaang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na PHP 714,000.00.
Sa isa pang buy-bust operation sa Sitio Tunga, Barangay Magnaga, Pantukan, Davao de Oro, arestado naman ang isang alyas “Boss” na kabilang sa Top 8 HVI regional level, at isang alyas “Joy”.
Nakumpiska sa posesyon ng mga ito ang sachets ng suspected shabu na nagkakahalaga ng PHP 816,000.00.
Napasakamay din ng awtoridad ang isang 1911 NORENCO .45 caliber pistol, mga bala at magazine, gayundin ang drug paraphernalia.
Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A. 9165.



Comments