Suspected shabu na nagkakahalga ng 1.7 million pesos, nasamsam ng mga tauhan ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office sa buy-bust operation sa Cotabato City; 2 suspek, arestado
- Nov 10, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam naman ng mga elemento ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office ang 1.7 million pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buy-bust operation kung saan arestado sa operasyon ang dalawang indibidwal kabilang na ang isang magsasaka.
Ikinasa ang operasyon ngayong araw, November 7, 2025 sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.
Timbog sa buy-bust ang isang alyas “Mimi”, 43 years old, isang magsasaka at isang alyas “Magui”, 39-years old.
Nasa kustodiya na ng PDEA BARMM Jail facility ang mga ito habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa RA 9165.
Nakumpiska sa mga suspek ang limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na tinatayang tumitimbang ng 250 gramo, dalawang Android cellular phones, at buy-bust money.



Comments