top of page

Suspected Smuggled Crude Oil lulan ng 2 trucks, naharang ng awtoridad sa checkpoint sa Parang, Maguindanao del Norte; 2 driver, arestado

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbong ang dalawang driver ng truck matapos mahuli sa checkpoint na may kargang hinihinalang smuggled crude oil.


Kinilala ang mga suspek na sina alyas "Muhammad", 24-anyos, may asawa, residente ng Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte; at alyas "Digs", 40-anyos, may asawa, residente rin ng Tambo, Sultan Mastura.


Naharang ang minamanehong truck ng mga ito, araw ng Lunes, February 23, alas 2:40 ng hapon.


Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang pinagsanib na puwersa ng Parang Municipal Police Station at RMFB-14A sa koordinasyon ng Bureau of Customs, naharang ang mga sasakyan na may karga na labinlimang bariles ng hinihinalang crude oil.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Parang MPS ang mga suspek at ang nakumpiskang produkto habang hinihintay ang pormal na imbentaryo ng Bureau of Customs at ang pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page