SUSPEK, ARESTADO SA BUY-BUSTHinihinalang shabu, nasamsam; marked money, narekober; kaso sa R.A. 9165, kakaharapin
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Midsayap, Cotabato Timbog ang isang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug operation Kinilala ng awtoridad ang naaresto na si alyas “Badol”
Nasamsam mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 0.112 gramo at tinatayang halaga na ₱761.60, pati na ang marked buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500.
Isinagawa ang operasyon, alas 12:15 ng tanghali, araw ng Sabado, March 21 sa pangunguna ng PDEA katuwang ang Midsayap Municipal Police Station at iba pang yunit ng pulisya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments