Suspek sa illegal na pagbebenta ng baril sa Marawi City, Lanao del Sur, arestado; 3 baril, nasamsam ng awtoridad
- Feb 19
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang hinihinalang gunrunner matapos maaktuhan sa pagbebenta ng mga ilegal na baril sa isinagawang operasyon ng pulisya.
Kinilala ng awtoridad ang naaresto na si alyas “Mario”, 56 years old, residente ng Brgy. Palao, Bobong, Lanao Del Sur.
Nahuli ito, araw ng Lunes, February 16.
Sa report ng awtoridad, naaktuhan ang suspek sa pagbebenta at pag-iingat ng tatlong loose firearms na walang kaukulang permit o lisensya.
Nasamsam sa operasyon ang isang caliber 7.62 M14 rifle, caliber .45 pistol, caliber .40 pistol, at iba’t ibang magasin at bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari at pagbebenta ng baril.



Comments