top of page

Suspek sa kasong murder, arestado sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa Upi, Maguindanao del Norte

  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ng pulisya ang suspek sa kasong murder matapos ang isilbi ang warrant of arrest sa pamamagitan ng isang coordinated operation.

Huli si alyas “Depdep”, nasa legal age, lalaki, at residente ng Sitio Temraan, Brgy. Rempes, Upi, Maguindanao del Norte.


Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder sa ilalim ng Criminal Case No. 2025-16409, na inisyu ng Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 14, 12th Judicial Region, Cotabato City, noong June 25, 2025, na walang inirekomendang piyansa.


Ayon sa ulat, nang lapitan ng mga awtoridad ang suspek, nagtangka itong tumakas gamit ang kanyang motorsiklo. Nagkahabulan at nauwi sa pagkakabangga ng suspek at nagdulot ng bahagyang pinsala bago siya tuluyang maaresto.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Maguindanao MARPSTA ang suspek para sa wastong dokumentasyon at disposisyon, habang ihahain ang warrant sa korte para sa perusal.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page