Tanggapan ni BTA Deputy Floor Leader, MP Naguib Sinarimbo ang, inilahad ang mga serbisyong hatid sa taong 2025
- Jan 2
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pagtatapos ng taong 2025, inilalahad ni MP Atty. Naguib Sinarimbo ang mga nagawa sa loob ng siyam na buwan bilang mambabatas at lingkod-bayan.
Bilang Member of Parliament, binigyang-diin nito na ang serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa mga batas na naipapasa, kundi sa kongkretong serbisyong naihahatid sa mamamayan. Kabilang dito ang pagbabalangkas ng mga panukalang batas, serbisyong medikal, tulong pangkabuhayan, at mga programang pangkomunidad na tumutugon sa aktuwal na pangangailangan ng komunidad.
Ang mga inisyatiba ay nakatuon sa kalusugan, pagkain, kabuhayan, kaalaman, at pangangalaga sa kalikasan—mga pangunahing salik ng mabisang pamamahala. Ang mga ito ay bahagi ng isang mas malawak na layunin: ang pagtatatag ng isang Bangsamoro na inklusibo, may kakayahan, at may matibay na pundasyon para sa hinaharap.
Magpapatuloy umano ang pagsasagawa ng kanyang tanggapan ng mga makatao at makabuluhang batas, kasabay ng paghahatid ng serbisyong angkop at ramdam sa komunidad.



Comments