top of page

Tanggapan ni Cong. Bai Dimple Mastura at DICT, namahagi ng e-tablets sa mga mag-aaral ng Sandakan Elementary School sa ilalim ng programang CLICK

  • Diane Hora
  • Oct 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tinanggap ng mga mag-aaral ng Sandakan Elementary School ang e-tablets mula kay Congresswoman Bai Dimple Mastura at Department of Information and Communications Technology o DICT sa ilalim ng Project CLICK o Courses for Literacy in Internet and Computer Knowledge.


Layunin ng programa na gawing mas accessible ang digital education para sa lahat, lalo na sa mga kabataang kabilang sa mga liblib at underserved communities.


Sa tulong ng mga ipinamigay na gadget, nagiging mas madali at mas makabuluhan ang pag-aaral sa panahon ng makabagong teknolohiya.


Ang Project CLICK ay bahagi ng Digital Bayanihan ng DICT, na naglalayong palawakin ang digital literacy at computer knowledge sa mga pampublikong paaralan, upang maging tech-ready at globally competitive ang mga estudyante sa hinaharap.


Sa temang “Isang Click, Isang Kinabukasan”, ipinakita ng programa na ang teknolohiya ay hindi lamang luho kundi isang daan tungo sa mas inklusibong edukasyon at oportunidad para sa lahat.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page