top of page

Tanggapan ni Governor Datu Ali Midtimbang, muling pinagtibay ang pamantayan sa kalidad at matagumpay na pagpapatupad mga proyekto sa pamamagitan ng monitoring at inspection activites

  • Diane Hora
  • Jan 29
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang Provincial Project Management and Implementation Unit (PPMIU) ng Maguindanao del Sur, sa pangunguna nina Governor Datu Ali Midtimbang at Vice Governor Hisham Nando, katuwang ang National Project Coordination Office (NPCO), Project Support Office (PSO) Mindanao, Regional Project Coordination Office–BARMM (RPCO-BARMM), at ang Municipal Local Government Unit (MLGU) ng Upi, ay nagsagawa ng joint monitoring inspection sa kasalukuyang isinasagawang concreting works ng 10-kilometrong Barangay Rempes–Barangay Darugao Farm-to-Market Road.


Nakatuon ang aktibidad sa pagsusuri ng kasalukuyang antas ng accomplishment ng proyekto at sa pagtalakay ng mga hakbang upang matiyak ang pagtupad sa itinakdang buwanang physical targets. Kasunod nito, isinagawa ang isang exit meeting kung saan inilahad ang resulta ng monitoring ng mga PRDP infrastructure sub-projects, na may partikular na pagtutok sa Barangay Rempes–Barangay Darugao Farm-to-Market Road.


Nagbigay ng update sa kasalukuyang kalagayan ng proyekto, sinuri ang buwanang progress report, at tinukoy ang mga posibleng salik na nagdulot ng mga isyung napansin sa isinagawang inspeksiyon. Napagkasunduan ang mga kaukulang action points upang agad na matugunan ang mga ito at masuportahan ang napapanahong pagkumpleto ng proyekto.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page