top of page

Tanggapan ni MP Abdulraof Macacua, handog ang One-Stop Shop Free PSA Services bilang bahagi ng pagdiriwang ng 7th Bangsamoro Foundation Day

  • Diane Hora
  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH


Gaganapin ang libreng serbisyo sa Bangsamoro Government Center (BGC), Booth 14–15, at bukas sa publiko sa limitadong slots kada araw, batay sa first come, first served basis.


Para sa Schedule ng Serbisyo ang PhilSys Registration o National ID ay gaganapin mula January 19 hanggang 23 habang ang Civil Registry Services ay mula January 20 hanggang 21.


Ang libreng serbisyo na maaring ma-avail sa PhilSys ayNational ID registration habang sa

Civil Registry ay ang CENOMAR, Birth Certificate, Marriage Certificate at Death Certificate


Mahahalagang Paalala lamang ayon sa tanggapan na ang lahat ng serbisyo ay LIBRE, limitado ang slots kada araw, maximum na 3 dokumento kada pamilya at inirerekomendang sundan at i-share ang opisyal na page para sa updates.


Ang mga kailangang dalhin ay ang photocopy ng kahit anong valid ID para sa Birth Certificate, photocopy ng Live Birth para sa Marriage Certificate at authorization Letter kung hindi immediate family member ang kukuha.


Ayon sa Office of MP Macacua, layon ng one-stop shop na gawing mas accessible at mas mabilis ang pagkuha ng mga pangunahing dokumento—isang konkretong hakbang sa people-centered governance habang ipinagdiriwang ang isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page