top of page

Tanggapan ni MP Sittie Fahanie Uy-Oyod, handog ang ₱250 fuel voucher sa mga delivery rider sa BARMM bilang pakikiisa sa ika-7 foundation day ng Bangsamoro

  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH



Mamamahagi ang tanggapan ni MP Sittie Fahanie Uy-Oyod ng libreng fuel voucher na nagkakahalaga ng ₱250 para sa 50 delivery riders mula sa Cotabato City, Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, at Special Geographic Area o SGA.


Ang programang ito ay bahagi ng selebrasyon ng BARMM Foundation Day at layong magbigay-suporta sa mga delivery riders na araw-araw na nagsisilbi at kumakayod sa kalsada. Prayoridad ng inisyatiba ang mga kasapi ng #FahanieCares (#FC) o mga riders na may Voter’s Certificate at handang maging bahagi ng nasabing samahan.


Kabilang sa mga kwalipikasyon ang kakayahang personal na i-claim ang fuel voucher sa programang gaganapin sa Enero 23, 2026.


Para makasali, kinakailangang magsumite ng online application at mag-upload ng:

• Delivery Company–issued ID o Certificate

• Voter’s Certificate (optional)

• Photo evidence ng aktwal na trabaho bilang delivery rider


Ang deadline ng aplikasyon ay Enero 21, 2026, ganap na alas-5 ng hapon. Ang unang 50 kwalipikadong aplikante ay makakatanggap ng tawag o mensahe mula sa focal person ng programa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page