top of page

TANGING OPISYAL AT KINIKILALANG POLITICAL PARTY NG MILF ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ayon sa inilabas na policy statement ng MILF Central Committee

  • Apr 17
  • 1 min read

iMINDSPH


Muling iginiit ng MILF na tanging ang UBJP lamang ang kinikilala nilang political party sa inilabas na policy statement ng Central Committee.


Alinsunod dito, ang lahat ng opisyal at kasapi ng MILF na pormal na sumapi at naging miyembro, opisyal, o kandidato ng mga partidong pampulitika maliban sa UBJP ay ituturing umano na nasa indefinite leave na agad magkakabisa, maliban na lamang umano kung ang mga ito ay magsusumite ng makatwirang paliwanag sa Central Committee ng MILF kung bakit hindi dapat ipataw ang nasabing kaparusahan.


Matapos ang pagsusumite ng naturang paliwanag, isang pinal na desisyon umano ang gagawin batay sa bawat kaso, kasunod ng masusing pagtalakay ng Central Committee ng MILF.


Ang policy statement ay opinagtibay a-15 ng Abril 2026, sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, sa ginanap na regular na pagpupulong ng MILF-Central Committee.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page