top of page

TANGLAW NATIONAL MEDIA FORUM Ikinasa ng MSSD BARMM upang mas mailapit sa publiko ang mga tunay na kwento ng pag-unlad at serbisyo sa rehiyon

  • Apr 10
  • 2 min read

iMINDSPH

Binabasag ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang mga lumang naratibo tungkol sa Bangsamoro. Sa pamamagitan ng Tanglaw National Media Forum na ginanap nitong Abril 7, 2026, matagumpay na pinagbuklod ng ahensya ang 15 national media agencies upang mas mailapit sa publiko ang mga tunay na kwento ng pag-unlad at serbisyo sa rehiyon.


Bitbit ang temang “Bridging the Narrative: A National Media Forum on the Effective Reporting of BARMM’s Social Service Delivery,” layon ng forum na sangkapan ang media ng tamang datos para sa mas mataas na kalidad ng pag-uulat, at ituwid ang mga maling persepsyon tungkol sa tunay na serbisyo at mandato ng MSSD.


Ayon kay Minister Atty. Raissa Jajurie, panahon na upang makita ng buong bansa ang higit pa sa mga balita ng bakbakan.


Inilatag din ni Minister Jajurie ang Transition Report ng MSSD na sumasaklaw mula 2020 hanggang 2025 na nagtatampok sa mga tagumpay ng ahensya sa pagpapatatag ng sistema, mga digital innovation para sa mas mabilis na serbisyo, at mga prayoridad na plano para sa patuloy na pag-unlad.


Sa ginanap na press conference, sinagot ng mga opisyal ng MSSD ang mga kritikal na isyu mula sa media. Kasama ni Minister Jajurie na humarap sa mga mamamahayag sina Deputy Minister Nur-Ainee Tan Lim, Director General Atty. Mohammad Muktadir Estrella at Director II Hasim Guiamil.


Tinalakay sa nasabing sesyon ang mga karaniwang misconceptions o maling pananaw ng publiko sa mga programa ng ahensya, na naglalayong magkaroon ng mas tumpak at patas na pag-uulat ang media sa national level.


Ang Tanglaw Forum ay nagsilbing plataporma upang ipakita ang mga konkretong reporma ng MSSD para sa mas maayos na serbisyo. Pinatutunayan nito na ang naratibo ng Bangsamoro ay hindi na lamang tungkol sa nakaraang sigalot, kundi tungkol na sa maayos na pamamahala at mga programang nararamdaman ng mga mamamayan—mga kwentong mahalagang maiparating sa buong bansa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page