top of page

Tapat ng bahay ng isang barangay kagawad sa Cotabato City, pinasabugan ng granada

  • Teddy Borja
  • Sep 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinasabugan ng granada ang tapat ng bahay ng isang barangay kagawad sa Poblacion 4, Cotabato City. Walang naiulat na nasaktan sa pagsabog pero dalawang sasakyan naman ang tinamaan.


Sa report ng pulisya, alas 12:16 ng madaling araw ng Sabado nang ireport sa kanila ang nangyaring insidente sa Barangay Poblacion 4 ng syudad.


Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, isang hindi pa kilalang lalaki ang naghagis umano ng granada sa lugar sa tapat ng bahay ni Barangay Kagawad Al-Jaynodin Akmad Sumndad sa nabanggit na barangay.


Walang naiulat na nasaktan sa insidente maliban na lamang sa isang pick up at isang kotse na tinamaan.


Blanko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng salarin at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy din ang motibo ng pagpapasabog.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page