top of page

TARGETED APPROACH Paiigtingin ng Basilan Provincial Government upang matiyak na bawat bata ay matutong bumasa at hindi mapag-iwanan sa karunungan

  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Agarang ipinatawag ni Governor Mujiv Hataman ang isang Convergence Meeting kasama ang sektor sa edukasyon at pangkalusugan sa lalawigan. Ito ay bilang tugon sa ulat ng EDCOM II hinggil sa hamon ng stunting (pagkabansot) at literacy (pagbabasa) sa ating lalawigan.


Sa meeting, tinumbok ng mga concerned agencies tulad ng MBHTE-Basilan ang mga isyu na may kinalaman sa pagbabasa. Tinalakay sa meeting ang pagpapaigting ng ating targeted approach para matiyak na bawat bata sa Basilan ay matutong bumasa at hindi mapag-iiwanan sa karunungan.


Tututukan naman ang kalusugan ng mga ina at sanggol sa pamamagitan ng mas pinalakas na kampanya ng Integrated Provincial Health Office. Ayon sa provincial government, ang laban sa stunting ay nagsisimula sa sinapupunan pa lamang upang matiyak ang matalas na kaisipan at malakas na pangangatawan ng susunod na henerasyon. Kung kaya't planong palakasin ng Pamahalaang Panlalawigan ang Magtanah Program para sa Food Security ng lalawigan.


Dagdag ng pamahalaang panlalawigan, palalakasin din ang lokal na agrikultura upang masiguro na may sapat at masustansyang pagkain sa bawat hapag-kainan ng pamilyang Basileño.


Sa pagtatapos ng meeting, binahagi ng pamahalaang panlalawigan ang kongkretong aksyon na pinamagatang PUSPAH KAUMAN: PUspusang PAgpapahalaga sa Kalusugan, Kaalaman at KabUhayan ng MAmamayaN na isang mekanismo upang matugunan ang kasalukuyang challenge sa pagbabasa at stunting sa lalawigan. Tiniyak at positibo ang #TeamKapitolyo sa pakikipagtulungan sa mga partner agencies na sa sama-samang aksyon, malulutasan at mag mapapag-igi ng lalawigan ang estado ng kabataan sa Basilan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page