Tatlong akusado sa kasong murder, arestado sa pagsisilbi ng Warrant of Arrest sa Koronadal, City
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang tatlong lalaking akusado sa kasong murder matapos ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng pulisya.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas "Khalid", 20 taong gulang; alyas "Harris", 24 taong gulang; at alyas "Samrod", 27 taong gulang—pawang mga residente ng Maguindanao del Norte.
Ang tatlong akusado ay nahaharap sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 2026-17260, na walang inirekomendang piyansa batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 14, Cotabato City.
Matapos ang booking, mugshot, at dokumentasyon, ang mga akusado ay nananatili sa kustodiya ng South Cotabato Rehabilitation Detention Center habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant sa korte.



Comments