top of page

Tatlong HVI, timbog sa buy-bust operation sa Cotabato City; ₱34,000 halaga ng hinihinalang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia, nasamsam

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “JunJun”, 33-anyos; alyas “Ares”, 50-anyos; at alyas “Belong”, 34-anyos—pawang mga itinuturing na high value individuals at residente ng naturang lugar.


Nasamsam mula sa mga suspek ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang limang gramo at tinatayang halagang ₱34,000 batay sa standard drug price.


Narekober din ang boodle money na ginamit sa operasyon, kabilang ang isang genuine ₱1,000 bill, mga photocopied bills, at iba’t ibang drug paraphernalia gaya ng aluminum foil, improvised test tube, improvised needle, at mga lighter.


Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay isasailalim sa qualitative at quantitative laboratory examination ng RFU-BAR, habang ang mga suspek ay dinala sa Cotabato City Police Station 2 para sa wastong disposisyon, pansamantalang detensyon, at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page