top of page

Tatlong indibidwal, arestado sa NAIA; ₱114.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 12
  • 1 min read

iMINDSPH



Mahigit ₱115 million ang halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang interdiction operation sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.


Ikinasa ng NAIA–Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang operasyon, noong January 8, matapos ma-flag sa x-ray screening ang isang inbound parcel na idineklarang “clothing”.


Sa tulong ng narcotics detection dog, nagpositibo ang bagahe sa ilegal na droga, sa isinagawang manwal na inspeksyon ay nadiskubre ang humigit-kumulang 16,848 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang standard drug price na ₱114,566,400.00.


Agad na inaresto ang tatlong lalaki, edad 58, 61, 35 taong gulang—sa loob mismo ng Pairpags Cargo, Import Warehouse.


Narekober din ng mga awtoridad ang ilang cellphone, bag, identification cards, at mahahalagang dokumento na pinaniniwalaang may kaugnayan sa tangkang pagpupuslit.


Ang mga naarestong suspek at ang lahat ng nakumpiskang ebidensiya ay itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa wastong dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page