TATLONG SUSPEK, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION Matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Cotabato City
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City —
Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya. Nagsagawa ng joint buy-bust operation ang City Police Drug Enforcement Unit kasama ang Police Station 2 at PDEA-BARMM, kung saan matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.08 gramo at may halagang ₱544.
Matapos ang transaksyon, agad na inaresto ang mga suspek. Sa isinagawang search, narekober mula sa isa sa kanila ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱500 at isang cellular phone.
Bukod dito, nasamsam din ang isang improvised glass tooter na ginagamit umano sa paggamit ng ilegal na droga.
Kasalukuyang sumasailalim sa booking at kaukulang pagsusuri ang mga suspek. Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa kanila.



Comments