top of page

Technical expertise at best practices ng MagSur Provincial Government sa pagtataguyod ng Child-Friendly governance, ibinahagi sa iba pang probinsya sa BARMM

  • Diane Hora
  • Oct 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ibinahagi ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur ang kanilang technical expertise at best practices sa pagtataguyod ng lalawigan ng child-centered governance.


Patuloy na pinatutunayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, sa pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang, ang matibay nitong pangako sa pagtataguyod ng child-centered governance.


Sa pamamagitan ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator na pinamumunuan ni EnP Nulfarid Ampatuan, katuwang ang UNICEF Philippines at Community & Family Services International (CFSI), aktibong isinusulong ng lalawigan ang pagpapatupad ng Four Legacies for Children sa rehiyon.


Si PPDC Ampatuan ay nagsilbing Resource Person sa isinagawang Four Legacies Batch 1 Training mula Setyembre 23–27, 2025 sa Jolo, Sulu.


Dito, ibinahagi ng lalawigan ang kanilang technical expertise at mga best practices upang suportahan ang mga lokal na pamahalaan sa mainstreaming ng karapatan ng mga bata sa kanilang mga development planning processes.


Ang pagsasanay ay nakatuon sa apat na pangunahing instrumento:

• Local Development Plan for Children

• Local Investment Plan for Children

• Local Code for Children

• Local State of Children’s Report


Dumalo sa aktibidad ang mga planning officers, local youth development officers, municipal social welfare and development officers, sangguniang representatives, at child representatives mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sulu at mga bayan ng Panglima Estino, Luuk, Omar, at Talipao.


Ang inisyatiba ay patunay ng walang humpay na dedikasyon ng Maguindanao del Sur sa pagtataguyod ng child-friendly local governance. Tinitiyak ng lalawigan ang proteksyon, pagpapalakas, at makabuluhang partisipasyon ng mga kabataan—hindi lamang sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region, kundi maging sa iba pang rehiyon ng bansa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page