Technical Management Service-Research and Development Division ng OCM, nagsagawa ng assessment sa Organizational Health ng Special Programs ng KAPYANAN
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ng assessment sa organizational health ng Special Programs ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN ang Technical Management Service-Research and Development Division o TMS-RDD ang tanggapan ng Interim Chief Minister.
Bumisita ang TMS-RDD sa Project Management Office ng KAPYANAN.
Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na pangako ng OCM na pahusayin pa ang institutional effectiveness at palakasin ang programa sa operational strategies.
Sa pamamagitan umano ng evaluation ng organizational health, matitiyak ng KAPYANAN Program ang patuloy na epektibong pagsisilbi sa komunidad.



Comments