top of page

Telegram APP pinag-aaralan ng DICT ang pagbabawal o pag-ban sa messaging app na ito sa bansa bunsod umano ng lumalalang reputasyon ng platform bilang pugad ng online pornography

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa isang panayam, inihayag ni DICT Secretary Henry Aguda na ang hakbang na ito ay bunsod ng lumalalang reputasyon ng platform bilang pugad ng online pornography at iba’t ibang uri ng financial scams, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Ang Telegram ay kilala sa pagbibigay ng matinding anonymity sa mga gumagamit nito, kung saan maaaring itago ang numero ng telepono at gumamit lamang ng username, dagdag sa report. Dahil sa katangiang ito, nagiging paborito umano itong channel ng mga masasamang elemento upang magsagawa ng ilegal na aktibidad nang hindi agad natutukoy.


Ayon kay Aguda, aktibo nang nakikipagpulong ang DICT sa iba pang tech giants tulad ng Meta (Facebook, Instagram, WhatsApp) upang sugpuin ang paglaganap ng deepfake content at mga penansyal na panloloko. Gayunpaman, nananatiling hamon ang Telegram dahil sa pagiging “secretive” ng mga user nito.


Katuwang ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI), lalong paiigtingin ng DICT ang pagbabantay laban sa mga “bad actors” sa cyberspace, lalo na ang mga gumagamit ng social engineering upang manakaw ang kontrol sa mga online accounts ng mga Pilipino.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page