top of page

Tensyon sa Tipo-Tipo, humupa na ayon kay Governor Mujiv Hataman matapos aniya ang mahabang proseso ng negosasyon

  • Diane Hora
  • Oct 29
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Unti-unti nang bumabalik ang sitwasyon sa poblacion ng Tipo-Tipo, Basilan, ayon kay Governor Mujiv Hataman.


Sa opisyal na pahayag ng gobernador, humupa ang tensyon matapos ang mahabang proseso.


Ipinaabot ng gobernador ang pasasalamat sa Armed Forces of the Philippines, PNP, mga traditional at religious leaders sa maagap na aksyon, matatag na koordinasyon at wala aniyang awang malasakit upang mapanatili ang kapayapaan sa komunidad.


Pinasalamatan din ng opisya si Tipo-Tipo Mayor Tong Istarul sa pamumuno at pakikiisa nito, gayundin si Commander Rajan Aburahman, Basilan CCH Chair Samad Hatain, at dating Vice Governor Alrasheed Sakkalahul sa pagpapanumbalik ng katahimikan at kaayusan sa lugar.


Hinihikayat ng gobernador ang lahat na ipagpatuloy ang pagkakaisa at kooperasyon upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong Basilan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page