TIGIL PASADA Isinagawa ng mga miyembro ng NDVOTCO Cooperative sa Cotabato City dahil sa kawalan ng fare increase sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Humihingi ng pang-unawa ang transport group sa mga commuter na apektado ng tigil pasada ngayong araw ng NDVOTCO Cooperative sa Cotabato City.
Ayon pa sa kanya, aabot sa libo-libong driver mula sa iba’t ibang ruta ang nakiisa sa tigil-pasada.
Hindi rin umano maiiwasan ni Macapendeg na maluha sa tuwing inilalahad sa kanya ng mga driver ang kanilang pinagdadaanan sa araw-araw na pamumuhay.
Nanawagan din si Macapendeg sa pambansang pamahalaan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga driver sa mga probinsya, lalo na sa Cotabato City.
Posible umanong tumagal pa ang tigil-pasada kung hindi agad matutugunan ang kanilang mga hinaing.
Sa huli, muling humingi ng paumanhin ang grupo sa publiko at nanawagan ng pang-unawa.



Comments