top of page

TIMBOG MATAPOS ANG 4 NA TAONG PAGTATAGO ang isang most wanted person na sangkot sa pagpatay sa retiradong guro noong 2022

  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Consolacion, Cebu —

Arestado ang isang top regional most wanted person na sangkot sa pamamaril sa isang retiradong guro noong 2022, matapos ang halos apat na taong pagtatago. Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Manong”, 69 anyos, isang habal-habal driver, at itinuturing na Top 2 Regional Most Wanted Person.


Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 16 sa Tangub City para sa kasong murder, na walang inirekomendang piyansa.


Batay sa imbestigasyon, noong November 2, 2022, binaril at napatay ang isang retiradong guro sa Purok 4, Barangay Caniangan, Tangub City habang may nagaganap na land negotiation.


Isinagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng joint operation ng Tangub City Police Station katuwang ang iba pang intelligence at police units mula sa Misamis Occidental at Cebu.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon, habang nagpapatuloy ang proseso ng hustisya para sa biktima.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page